Mga Tip sa Trabesiya at Kuwentong Sabungan


Mga Tip sa Trabesiya at Kuwentong Sabungan
ni Antonio A. Hidalgo

151 pages
ISBN - 9718280081

Description: Sa kanyang huling libro tungkol sa sabong, ibinabahagi ni Tony Hidalgo ang kanyang kaalaman – at habang-buhay na karanasan – ukol sa trabesiya. Ang trabesiya ang pinakaimportanteng aspeto ng sabong, dahil nakararami ang naglalaro nito. Pero wala pang naisulat hinggil dito. Pinuno na ni Hidalgo itong malaking pagkukulang sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat dito tungkol sa mga tuntunin at nakaugalian sa trabesiya – mula sa iba’t-ibang logro sa sabungan at ang kanilang senyas sa pamamagitan ng kamay hanggang sa mga tungkulin ng kristo. Ibinabahagi rin niya sa mga sanay tumaya sa sabong ang kanyang malalim na pag-unawa ng sarisaring estratehiya sa pananaya – mga estratehiyang nababatay sa pagpili ng mananalong panabong, pagtuklas ng mga regla, at pangangasiwa ng kapital.

Kasama rin sa librong ito ang bagong anim na katawa-tawa at puno ng kabalintunaang maiikling kathang pumapalibot sa nasisiraang pangunahing tauhan ni Nestor Divinagracia – ang namumukud-tanging sabungero sa mundo. Karugtong sila ng popular na unang hanay ng anim na istorya ni Nestor sa Cockfighting Secrets, at ang salin nito sa Filipino, Mga Sekreto sa Pagsasabong. Nakapasok na ang mga istoryang ito sa kultura ng sabungan at si Nestor ang katumbas ni Juan Tamad noong sinauna. Mabibilang ang mga istorya ni Nestor sa mga paboritong kathambayan ngayon.

Sa pagsulat ng librong ito’y nabuo na ni Hidalgo ang kanyang hanay ng siyam na aklat ukol sa lahat ng tapyas ng ating pambansang laro ng sabong. Sinimulan niya ito noong 1992 at tinapos pagkaraan ng siyam na taon sa paglimbag ng aklat na ito, na kagaya ng mga naunang libro’y isinulat niya sa kanyang bukud-tanging napakalinaw na estilo upang ipahatid ang kanyang malalim at mapaglikhang pag-iisip.

PRICE: P 150.00