Showing posts with label cockfighting manuals. Show all posts
Showing posts with label cockfighting manuals. Show all posts

Mga Tip sa Trabesiya at Kuwentong Sabungan


Mga Tip sa Trabesiya at Kuwentong Sabungan
ni Antonio A. Hidalgo

151 pages
ISBN - 9718280081

Description: Sa kanyang huling libro tungkol sa sabong, ibinabahagi ni Tony Hidalgo ang kanyang kaalaman – at habang-buhay na karanasan – ukol sa trabesiya. Ang trabesiya ang pinakaimportanteng aspeto ng sabong, dahil nakararami ang naglalaro nito. Pero wala pang naisulat hinggil dito. Pinuno na ni Hidalgo itong malaking pagkukulang sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat dito tungkol sa mga tuntunin at nakaugalian sa trabesiya – mula sa iba’t-ibang logro sa sabungan at ang kanilang senyas sa pamamagitan ng kamay hanggang sa mga tungkulin ng kristo. Ibinabahagi rin niya sa mga sanay tumaya sa sabong ang kanyang malalim na pag-unawa ng sarisaring estratehiya sa pananaya – mga estratehiyang nababatay sa pagpili ng mananalong panabong, pagtuklas ng mga regla, at pangangasiwa ng kapital.

Kasama rin sa librong ito ang bagong anim na katawa-tawa at puno ng kabalintunaang maiikling kathang pumapalibot sa nasisiraang pangunahing tauhan ni Nestor Divinagracia – ang namumukud-tanging sabungero sa mundo. Karugtong sila ng popular na unang hanay ng anim na istorya ni Nestor sa Cockfighting Secrets, at ang salin nito sa Filipino, Mga Sekreto sa Pagsasabong. Nakapasok na ang mga istoryang ito sa kultura ng sabungan at si Nestor ang katumbas ni Juan Tamad noong sinauna. Mabibilang ang mga istorya ni Nestor sa mga paboritong kathambayan ngayon.

Sa pagsulat ng librong ito’y nabuo na ni Hidalgo ang kanyang hanay ng siyam na aklat ukol sa lahat ng tapyas ng ating pambansang laro ng sabong. Sinimulan niya ito noong 1992 at tinapos pagkaraan ng siyam na taon sa paglimbag ng aklat na ito, na kagaya ng mga naunang libro’y isinulat niya sa kanyang bukud-tanging napakalinaw na estilo upang ipahatid ang kanyang malalim at mapaglikhang pag-iisip.

PRICE: P 150.00

Mga Sekreto sa Pagsasabong


Mga Sekreto sa Pagsasabong
ni Antonio A. Hidalgo

168 pages
ISBN - 9718280022

Description: Ang Mga Sekreto sa Pagsasabong ay ang ikalimang libro ni Antonio Hidalgo tungkol sa ating pambansang laro. Labinsiyam na beses nang ipinalimbag ang mga nauna niyang apat na aklat hinggil sa sabong.

Ang unang bahagi ng librong ito ay binubuo ng labintatlong artikulong naglalaman ng mga mahahalagang sekreto ukol sa pagpanalo sa sabong. Matagal nang itinatago ng mga bihasang sabungero ang mga sekretong ito. Si Tony lang ang nagbahagi ng mga sekretong ito sa pangkaraniwang sabungero.

Nilalaman din ng librong ito ang mga nakatatawang maiikling katha tungkol sa mga mahihiwagang pamahiin sa laro ng sabong. Ang mga akda’y pumapalibot sa mga karanasan ng isang mapaglikhang-isip, matiyaga, mayaman, at sirang-ulong sabungerong nagngangalang Nestor Divinagracia. Kinakatawan niya ang pagnanais ng bawat sabungerong makaimbento ng masalimuot na panukala upang laging manalo sa sabong.
(More than 15,000 copies printed)

PRICE: P 150.00

Bihasang Pagsasabong


Bihasang Pagsasabong
ni Antonio A. Hidalgo

126 pages
ISBN - 9718280057

Description: Ang Bihasang Pagsasabong ay ang ikapitong libro ni Antonio A. Hidalgo sa kanyang popular na hanay ng mga aklat tungkol sa ating pinakamamahal na pambansang laro ng sabong. Kasama sa hanay na ito ang Sabong sa Ingles, Sabong sa Filipino, Professional Cockfighting, Cockfighting Secrets, Cockfighting Stories, at Mga Sekreto sa Pagsasabong.

Si Tony Hidalgo ay nagtatag ng kilalang Magiting Game Farm sa San Miguel, Bulacan. Inilaban niya sa mga derby at hakpayt sa buong bansa ang kanyang bukud-tanging lahi ng panabong nang maraming taon at dose-dosenang beses siya nagkampiyon sa mga derby sa panahong ito.
(More than 20,000 copies printed)

PRICE: P 150.00

Sabong: Manwal sa Pagpapalahi at Paglalaban ng Mga Tinali


Sabong: Manwal sa Pagpapalahi at Paglalaban ng Mga Tinali
ni Antonio A. Hidalgo

194 pages
ISBN - 9712704157

Description: Si Antonio A. Hidalgo ay lumikha na ng limang libro: Sabong sa Ingles, Sabong sa Filipino, Professional Cockfighting, Cockfighting Secrets, at The Asian Traveller. Beinte unong beses na ipinalimbag ang kanyang mga aklat.

Kilala si Tony sa kanyang pagsasabong at sa pagpapalahi ng mga panabong sa Magiting Game Farm niya sa San Miguel, Bulacan.
(More than 30,000 copies printed)

PRICE: P 150.00

Travesia Tips and Cockpit Stories


Travesia Tips and Cockpit Stories
by Antonio A. Hidalgo

71 pages
ISBN - 9718280073

Description: In his last book on cockfighting, Tony Hidalgo shares his knowledge of, and lifelong experience in, travesia – the art of betting on cockfights. Despite the fact that travesia is the most important aspect of cockfighting in the Philippines because it has the largest number of followers, nothing has hitherto been written on it. Hidalgo has now filled this glaring gap by documenting travesia practices and conventions for the beginner – from the range of betting odds, or logro, in the cockpits, and the hand signals used to signify them, to the functions of the cristos. He also shares his insightful betting strategies with the experienced bettor – strategies that are based on selecting winning cocks, discovering winning patterns, or reglas, and managing funds.

This book also contains six hilarious and ironic short stories revolving around the wacky central character of Nestor Divinagracia – the world’s unique cocker. They are a sequel to the bestselling series of six Nestor stories in Cockfighting Secrets and its Filipino trasnslation, Mga Sekreto sa Pagsasabong. These stories have entered the popular culture in the cockpits, with Nestor as the sabong equivalent of the Juan Tamad of an earlier generation, and are among the best-read fiction in the country today.

With this book, Hidalgo has now written on all the major facets of our national game of sabong in the inimitably limpid and fluid style that he uses to express his formidable analytical and creative ideas. It is a fitting final volume in a sabong series of nine books that Hidalgo started in 1992 and completed nine years later.
(Winner 2003 Phil. Free Press Literary Awards)

PRICE: P 190.00

Cockfighting Secrets


Cockfighting Secrets
by Antonio A. Hidalgo

86 pages
ISBN - 9712704890

Description: Cockfighting Secrets is the fourth book of the bestselling series by Antonio A. Hidalgo which include Sabong (1993), Professional Cockfighting (1994), and his own translation of his first book, Sabong: Manwal sa Pagpapalahi at Paglalaban ng mga Tinali (1995). Tony has also written a book of essays on development, The Asian Traveller.

Cockfighting Secrets consists of articles on specific topics which further flesh out his theory on cockfighting and breeding gamefowl.

This book also features humorous, magical tales which evoke the folk beliefs and other aspects of the sport. Some of these short stories have been published in Money Asia, Fightingcock Magazine, Philippine Graphic and Philippines Free Press. “The Deadliest Tari” was shortlisted in the 1995 Graphic annual awards for fiction.
(More than 15,000 copies printed)

PRICE: P 190.00

Professional Cockfighting

Professional Cockfighting
by Antonio A. Hidalgo

67 pages
ISBN - 9712703401

Description: Professional Cockfighting is the second volume in Antonio A. Hidalgo’s best-selling series of cockfighting books, which includes Sabong: A Manual (in English) (1993), Sabong: Isang Manwal (in Filipino) (1995), and Cockfighting Secrets (1996). Tony has also written a collection of essays on development – The Asian Traveller (1996).

Antonio A. Hidalgo owned Magiting Game Farm and bred and fought his strain of game fowl for many years in derbies in Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, and occasionally in Davao City and Tacloban, Leyte. The Magiting fowl have won dozens of derby championships through the years.

(More than 20,000 copies printed)

PRICE: P 190.00

Sabong: A Manual for Breeding and Fighting Cocks


Sabong: A Manual for Breeding and Fighting Cocks
by Antonio A. Hidalgo

78 pages
ISBN - 9712702847

Description: This book has been described by Ramon Mitra as the “bible the sport of cockfighting needs.” It is the first in the best-selling series of cockfighting books by the same author which includes Professional Cockfighting (1994), Sabong (in Filipino) (1995), and Cockfighting Secrets (1996).

Although cockfighting is the national sport in the Philippines, there is a great dearth of information on it. Antonio A. Hidalgo is the only professional breeder and cocker in the country to have shared valuable secrets on all aspects of the sport through his books. The information he provides is based on his many years of experience in breeding and fighting his strain of game fowl as the owner of Magiting Game Farm. The Magiting game fowl garnered an impressive string of championships in derbies in Metro Manila, Bulacan, and Nueva Ecija.
(More than 30,000 copies printed)

PRICE: P 190.00