Ang Masayang Mundo ni Nestor D
by Antonio A. Hidalgo
121 pages
ISBN – 9718280103
Description: Ang labindalawang maikling kuwento sa librong ito’y pumapalibot sa mga pakikipagsaplaran ng isang mapaglikha, matalino, nakatalaga, mayaman, sirang-ulo, at malas na sabungerong nangangalang Nestor Divinagracia. Dahil sa parati siyang naglalaway na maging pinakadakilang sabungero sa balat ng lupa, walang hinto siyang nag-iimbento ng mga masalimuot na pakana upang lupigin ang mundo ng sabong. Walang paltos din siyang pumapalpak sa kanyang paghahanap, gaya ni Don Quixote, at paulit-ulit niyang nilulunok, nang walang alinlangan, ang mapait na tsa ng kanyang pagkatalo. Sa katotohanan, bukas-palad pa niyang ibinabahagi ang mapait na tsa sa kanyang dalawang Sancho Panza, si Oscar at Abet; at sa kanyang Dulcinea – ang kanyang bata’t magandang ikalawang asawa – ang mestisang Olandes na si Katrina Vandenburg.
Sa pamamagitan ng komedyang nakakabiyak ng tagiliran at kumakagat na kabalintunaan, inaaninag ni Tony Hidalgo ang mga katawa-tawang aspeto ng ating lipunan at hinahalukay niya ang malalalim na katotohanang intelektuwal, sikolohikal at kaasalan na nakabaon sa kalagayan ng Filipino. Ang mga nakatatawa at makabatirang istoryang ito’y mabibilang sa mga pinakapopular at binabasang istorya sa ating bayan sa kasalukuyan. Una silang inaalok bilang isang kumpletong hanay ng magkakaugnay na kuwento rito – upang ibatid ang karagdagang pag-unawa na nilalalman ng kabuuang koleksiyon.
Ang may-akda’y nanalo ng premyo sa 2001 Palanca Memorial Awards for Literature at sa 2000 N.V.M. Gonzalez National Literature Awards. Kasama ang kanyang mga istorya sa Likhaan Book of Poetry and Fiction 2000 at sa Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 1999 ng U.P. Creative Writing Center at U.P. Press. Hinirang ang kanyang The Life, Times, and Thoughts of Don Pio Pedrosa at ang kanyang pinamatnugutang The Milflores Guide to Philippine Shopping Malls para sa 2001 National Book Awards.
(Sold out; available in some bookstores)
PRICE: P 280.00