Ang Musika ng Gabi at Iba Pang Istorya
ni Antonio A. Hidalgo
208 pages
ISBN – 971828012X
Description: Tinipun ni Antonio A. Hidalgo sa librong ito ang sariling pagsasalin sa Filipino ng kanyang mga istorya sa Ingles upang sila’y ipamahagi sa mga mambabasa sa ating sariling wika.
Ang ilan sa kanila’y nanalo ng premyo sa mga pambansang paligsahan. Ang pangunahing kuwento, “Ang Musika ng Gabi,” ay nanalo ng premyo sa 2000 N.V.M. Gonzalez National Literature Awards at kasama ito sa The Likhaan Book of Poetry and Fiction 2000 ng U.P. Creative Writing Center at U.P. Press. Ang “Ikalawang Pagdating” ay nanalo ng premyo sa 2001 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. “Ang Telenobelang Buhay ni Migs San Juan” ay kasama sa Ang Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 1999 ng U.P. Creative Writing Center at U.P. Press.
Ang huling istorya, “D Mny Txts of Luv,” ay kauna-unahang kuwento sa wika ng texting na inilimbag sa Pilipinas, ang sentro ng texting sa daigdig. Malamang ay nauna rin itong inilimbag sa buong mundo.
Si Hidalgo ay sumulat na ng labing-anim na aklat tungkol sa iba’t-ibang paksa. Naging miyembro siya ng gabinete ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang siya’y Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Labinlimang taon siyang naglingkod bilang mataas na opisyal ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) at tumira siya, kasama ang kanyang pamilya, sa maraming bayan abroad. Naging UNICEF Representative siya sa Republic of Korea at Socialist Republic of Burma. Sa kasalukuyan, siya’y Pangulo ng Milflores Publishing, Inc.
(Sold out; available in some bookstores)
PRICE: P 340.00